Repeat after me!
Nasa elementary kami noon, grade 4 o 5. Teacher: Ok class, reading tayo ha, ako muna magbabasa sa mga ituturo ko rito sa blackboard at pagkatapos ko ay kayo Teacher: Ok class? Kami: Opo ma'am Teacher: Ok, ready, repeat after me Tangang Classmate : Repeat after me! ( malakas, ganadong bata, walang sumabay! ) Classmate na 'di makapagpigil: Ay tanga Walang away na naganap, namagitan agad ang teacher at sinabing huwag magagalit ang tangang classmate dahil nasabihan sya ng 'tanga'. Oo at masakit ito pero minsan kailangan nating masaktan para matuto. Ipinaliwanag nang guro na ang sinasabing nyang "repeat after me" ay kapag naituro na nya sa blackboard at nabasa na nya ang mga ito.